Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa publiko ang pansamantalang implementasyon ng provisional express processing scheme para sa mga overseas Filipino worker (OFW) sa lahat ng DFA Regional Consular Office (RCO) simula noong Nobyembre 24.

Para sa mabilis na proseso, maliban sa karaniwang passport application requirements, kailangang magprisinta ang OFW ng job order na sertipikado mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) o job order na aprubado ng Labor Attaché at authenticated/acknowledged ng consular officer ng Embahada ng Pilipinas.

May 15-working days ang provisional releasing schedule ng mga RCO para sa provisional express processing ng OFW sa halagang P1,200, habang 30-working days naman ang normal na proseso na nagkakahalaga ng P950.

Tiniyak ng DFA sa publiko na agad ibabalik ang 10-working day express processing at 20-working day regular processing sa aplikasyon ng pasaporte kapag nasuri at naiposisyon na ang mga bagong passport printing machine.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa National Capital Region, ang proseso ng pasaporte sa DFA-Aseana at DFA Satellite Offices ay mananatili sa pitong araw kada linggo para sa express processing na P1,200 at 15 working days naman ang regular na proseso sa halagang P950.

Ginarantiya ng DFA na ginagawa nito ang lahat ng hakbang para sa pagbibigay ng mas maayos na serbisyo sa mga OFW na malaking tulong sa pag-usad ng ekonomiya ng Pilipinas