BEIJING (AFP) – Sinabi ni Chinese President Xi Jinping sa kanyang foreign policy speech na ang umaangat niyang bansa ay poprotektaan ang sovereign territory nito, iniulat ng Xinhua news agency sa harap ng mga isyu ng agawan sa karagatan sa ilang mga katabing bansa nito.

“We should firmly uphold China’s territorial sovereignty, maritime rights and interests and national unity,” ani Xi sa isang pagpupulong ng Communist Party sa foreign affairs na ginanap noong Biyernes at Sabado, ayon sa sipi sa kanyang talumpati na inilabas ng Xinhua noong Linggo.

Idinagdag ni Xi, kapwa pangulo ng China at kalihim ng Communist Party, na ang kanyang bansa “[would] properly handle territorial and island disputes.”
National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya