Nakatakdang bigyan ng Competency Exam ang may kabuuang 661 aplikante para sa bakanteng posisyon at promosyon sa Bureau of Customs (BOC) sa Disyembre 14, 2014 (Linggo), 8:00 AM-11:00PM. Ito ang pangalawang yugto ng aplikasyon para sa mahigit 1,000 posisyon sa main office ng BOC at iba’t ibang collection districts sa buong bansa.

Walumpu’t apat (84) na aplikante ang nag-applay para sa supervisory posisyon habang 562 ang umaasinta sa non-supervisory. Labinlima (15) ang karagdagang aplikante para sa mga posisyon sa unang antas o entry-level positions, na hindi kukuha ng Competency Exam ngunit sasalang sa personal interview. Ang mga unang antas ng posisyon ay kinabibilangan ng Administrative Assistant (I, II, III), Assistant Customs Operations Officer, Intelligence Agent (I, II) at Special Agent (I, II).

Ang talaan ng mga examinees ay naka-post sa website ng BOC sa www.customs.gov.ph. Ang eksamin ay gagawin sa tatlong eskuwelahan, na kinabibilangan ng: Angelicum College sa 112 MJ Cuenco St, Biak-na Bato, Sto. Domingo, Quezon City; University Of Cebu (Banilad Campus), sa Gov Cuenco Ave, Banilad, Cebu City; at San Pedro College sa 12 C Guzman St, Obrero, Davao City. (Mina Navarro)

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho