Isasalang na sa bicameral conference ang panukalang P2.6 trilyon na 2015 budget sa Martes upang ayusin ang magkaibang bersyon ng Kamara at Senado.

Kasabay nito, tiniyak ni Senate Finance Committee chairman Senator Francis Escudero na ipaglalaban ng Senado ang sarili nitong bersyon sa pambansang pondo na aniya’y hindi taglay ang “pork barrel” taliwas sa akusasyon ni Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Giit niya, lahat ng mga itinatanong ni Santiago ay nasagot na nila sa Senado bago pa man nila maaprubahan sa ikatlong pagbasa ang P2.606 trilyon pondo sa botong 13-0.

Sinabi pa ni Escudero na para matiyak na hindi maituturing na pork barrel ang lump sum funds, sa mga ahensya ng pamahalaan, inilagay na nila sa probisyon ng 2015 General Appropriations Act (GAA) ang pagbabawal sa mga ahensiya ng gobyerno na gamitin ang lump sum funds kung walang isinumiting report o itemized listing sa Kongreso at sa Commission on Audit.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang mga kalihim ng mga sangay ng pamahalaan ay papatawan ng parusang anim na buwan hanggang isang taon sakaling lumabag sa probisyon.

At upang matiyak na hindi na mauulit ang sistema tulad ng kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program (DAP) at Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala sa pork barrel, ang mismong ruling ng Korte Suprema ang inilagay nila bilang probisyon ng 2015 national budget.

Ang Department of Education ang may pinakamalaking pondo na umabot sa P323.56 bilyon, sinundan ng DPWH na P292.57 bilyon, DSWD P109.34 bilyon, DILG P104.5 bilyon at DND na P99.92 bilyon.