Hangad ng Pilipinas na muling makapagtala ng bagong world record ngayong Linggo sa concert sa Quirino Grandstand sa Maynila, na dadaluhan ng inaasahang 40,000 katao mula sa 81 siyudad at lalawigan sa bansa.

Pinamagatang “Jesus Reigns!”, layunin ng selebrasyon na pagsama-samahin ang mga simbahan sa iba’t ibang bahagi ng bansa, na tatampukan din ng parada at motorcade ng may 20 float sa ganap na 3:00 ng hapon.

Maaaring mapanood nang live ang concert sa www.jesusreigns.ph habang ang iba pang simbahan sa Asia, Amerika at Middle East ang sasabay sa selebrasyon mula sa kani-kanilang bansa.

Taong 2012 nang inorganisa ito ng Jesus Reigns Philippine Celebrations (JRPC) bilang worship celebration sa Cebu City na dinaluhan ng 15,000 katao mula sa iba’t ibang bahagi ng Cebu. Noong 2013 ay muli itong idinaos sa Maynila, Cebu at General Santos City. - Elayca Marie Manliclic, trainee
National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands