Tinangay ng limang armadong lalaki ang isang 10-wheeler truck na may kargang 500 sako ng Victoria sugar na nagkakahalaga ng P2.4 milyon sa Judge Juan Luna St., San Francisco del Monte, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Ayon sa salaysay ng truck driver na si Francis Sabroso, 46, sa pulisya, hinarang ng limang lalaking armado, kabilang ang isa na nakauniporme ng pulis, ang kanyang sasakyan sa Judge Juan Luna St. at puwersahan siyang inilipat sa isang puting van na walang plaka kasama ang kanyang pahinante na si Ariel Baburnay, 26.

Habang nakapiring at naka- duct tape ang kanilang mga kamay, inabandona ng mga suspek sina Sabroso at Baburnay sa Barangay Panipuan, Mexico, Pampanga dakong 4:00 ng madaling araw kahapon.

Hindi naman batid nina Sabroso at Baburnay kung saan dinala ng mga salarin ang kanilang truck at kargada nitong asukal. - Batheena Kae United

Ahas na mas makamandag daw sa cobra, namataan sa baha sa CamSur