Idedeklara ni Cebu Gov. Hilario Davide III ang state of calamity sa katimugang Cebu, na labis na naapektuhan sa pananalasa ng bagyong ‘Queenie’ kamakailan.

Hinihintay na lang ang resolusyon ng provincial board para matukoy ang tindi ng pinsala ng bagyo para magamit sa muling pagpapaabot ng tulong sa mga apektadong lugar.

Nakapagsumite na rin ng inisyal na damage and need assessment (DANA) ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) kay Davide na pagbabasehan ng deklarasyon sa state of calamity.

Batay sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD)-Region 7, nasa 110 bahay ang nawasak at 875 naman ang napinsala sa buong Rehiyon 7.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Apat din ang kumpirmadong nasawi at walo pa ang nawawala dahil sa bagyo.