Maagang pamasko na maituturing ang pagpapatupad ng panibagong big time price rollback sa liquefied petroleum gas (LPG) ng Petron bukas, Disyembre 1.

Epektibo 12:01 ng madaling araw bukas, magtatapyas ang Petron ng P1.20 sa presyo ng kada kilo ng Gasul at Fiesta Gas katumbas ng P13.20 na kaltas sa bawat 11 kilogram na LPG.

Bukod sa bawas-presyo sa cooking gas ng Petron, bababa rin ng 65 sentimos ang presyo ng kanilang Xtend auto-LPG.

Asahan ang pagsunod sa price rollback ng ibang kumpanya kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25

Ang bagong bawas-prersyo sa cooking gas ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng LPG sa pandaigdigang merkado.

Noong Nobyembre 1 bumaba sa P7 ang presyo ng Gasul at Fiesta Gas katumbas ng P77 sa bawat regular na tangke ng cooking gas habang P3.91 ang tapyas sa Xtend auto-LPG.