Mga laro ngayon: (Cuneta Astrodome)
2 pm -- Mane ‘N Tail vs. Foton
4 pm -- Cignal vs. RC Cola-Air Force
6 pm -- Petron vs. Generika
Ipinamalas ng gutom at preparadong Cignal ang napakalaking upset laban sa star-studded PLDT Telpad-Philippine Air Force, 25-23, 26-24, 25-19, at sunggaban din ang kanilang unang korona sa 2014 Philippine Superliga Grand Prix na iprinisinta ng Asics noong Biyernes ng gabi sa Cuneta Astrodome.
Kinapalooban ng makabagong kumbinasyon ng laro at napakahigpit na depensa, humataw ang HD Spikers sa napakatinding panimula upang hubaran ng korona ang Turbo Boosters sa men’s division ng prestihiyosong inter-club tournament na inorganisa ng Sports Core kaakibat ang Air21, My Phone, Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Generika Drugstore, LGR at Jinling Sports bilang technical partners.
Pinamunuan ng dating San Beda ace na si Gilbert Ablan ang pag-atake sa pagkubra ng 20 puntos habang nakapagdeliber si Most Valuable Player Lorenzo Capate ng 15 markers sa Cignal, kinumpleto ang kanilang paghihiganti sa larong natapos sa loob ng 1 oras at 33 minuto para sa high-flying, heart-stopping volleyball action.
“It was a sweet revenge,” saad ni Cignal coach Macky Carino, iniugnay ang kanilang stunning victory kontra sa kaparehong powerhouse team na dumismaya sa kanila sa title match sa nakalipas na dalawang conferences sa torneong kaagapay din ng Solar Sports bilang official broadcast partner.
“I believe in my team. I know we will win the title. But I never expected it to be something like this. It’s like winning the lottery for me, especially since this is the first time for me to win the title as head coach.”
At dahil sa ipinakitang galing ng Cignal, inaasahan na ang matinding bakbakan ng Petron at Generika para naman sa titulo ng women’s division ngayon sa kapareho ding Pasay venue. Kapwa umaasa ang dalawang koponan na maging unang squad na mapagtagumpayan ang korona matapos ang three-conference champion na Army na pansamantalang nagpahinga.
Ang Blaze Spikers, pamumunuan ng naggagandahang imports na sina Aliana Bergsma at Erica Adachi at sa suporta nina Dindin Santiago at Frances Molina, ang mabigat na pinapaboran upang mapagwagian ang titulo sa kanilang paghaharap sa ganap na alas-6 ng gabi. Taglay ng Blaze Spikers ang 8-2 marka matapos ang double-round eliminations.
At sa semifinals, pinataob ng Petron ang Cignal na taglay ang 25-23, 25-16, 25-21 panalo, na nagdala ng malaking mensahe na handa na silang kamkamin ang korona na binakante ng three-time champion na Philippine Army.
Subalit ang final ay kakaibang istorya kung saan ay inaasahan na ni Petron coach George Pascua na magbibigay ng ilang sorpresa ang Generika matapos na dispatsahin ng Life Savers ang RC Cola-Air Force, 25-23, 25-16, 25-23, sa semifinals.
“Generika will be tough opponent in the finals,” saad ni Pascua, iniugnay ang squad na tujmalo sa kanilang sa nakaraang playing day sa eliminations. “They are young and fearless. They are used to long rallies and perform well under pressure. We have to be prepared.”
Sinabi naman ni Generika coach Ramil De Jesus na magiging krusyal, sa pagkakataong ito, ang matchup. Kinailangang malusutan ng kanilang Russian hitter, si Natalia Kurobkova, ang kanyang matchup laban kay Bergsma habang kailangang maungusan ng kanilang Japanese setter, si Miyu Shinohara, ang napakatinding playmaking ni Adachi upang sa ganoon ay mapagtagumpayan nila ang laro.
“They are evenly matched,” ayon kay De Jesus. “It will just boil down to who wants it more. The hunger factor will play a major role in this game, and certainly, we are the hungrier team.”
Maliban sa Petron-Generika titular encounter, apat na koponan pa ang magtatapat upang maisantabi rin ang kanilang placing sa classification phase.
Makakatagpo ng Mane ‘N Tail ang Foton sa ganap na alas-2:00 ng hapon para sa 5th-6th places habang makakaharap ng RC Cola-Air Force ang Cignal para sa 3rd-4th places sa ganap na alas-4:00 ng hapon.