Mga laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum)

3 p.m. Ginebra vs. Globalport

5:15 p.m. Purefoods vs. Rain or Shine

Mapatatag ang kanilang pagkakaluklok sa ikalawang posisyon at target na outright semifinals berth ang tatangkain ng Rain or Shine sa pagsagupa nila ngayon sa umaangat at reigning champion na Purefoods Star Hotshots sa PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nagsolo sa ikalawang puwesto sa team standings ngayon ang Elasto Painters na taglay ang barahang 6-2 (panalo-talo) sa likuran ng namumunong Alaska at San Miguel Beer na kapwa may barahang 6-1.

Nakabuntot naman sa kanila ang makakatunggaling Star Hotshots na umangat sa ikatlong puwesto kapantay ang Barangay Ginebra na sasabak sa unang laro kontra sa Globalport sa ganap na alas-3:00 ng hapon.

Mula sa 1-3 panimula, nagposte ng apat na sunod na panalo ang Star Hotshots, ang pinakahuli ay laban sa Kia Sorento noong nakaraang Nobyembre 26 sa iskor na 88-77 sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Nagsanib ng puwersa sina Joe Devance at Marc Barroca sa final canto kung saan ay nagsalansan sila ng game telling na 14-0 run para maagaw ang kalamangan sa Kia na umabot ng hanggang 9 na puntos at maangkin ang panalo.

Ngunit gaya ng Star Hotshots, hangad din ng Elasto Painters na palawigin ang naitalang 4-game winning streak, ang huli ay ang came-from-behind 95-93 panalo sa NLEX.

Nagposte si Paul Lee ng season high na 27 puntos, ang 10 dito ay inilatag niya sa final stretch upang giyahan ang Rain or Shine tungo sa ikaanim nilang tagumpay sa loob ng walong laban.

Una rito, tiyak na aabangan ng lahat, maging ng iba pang fans ng liga, ang magiging takbo ng laro ng Globalport matapos na mawala sa kanila ang head coach na si Pido Jarencio na pansamantalang pinalitan ng dati niyang deputy na si Erick Gonzales sa pagsalang nila kontra sa Gin Kings. Kapares ng Ginebra, hangad din ng Purefoods ang ikaanim na panalo.

Kasunod ng kanilang naging malaking kabiguan sa kamay ng San Miguel Beermen, 69-95, noong Nobyembre 25, pinalitan ng management ng Batang Pier si Jarencio.

Tiyak na magiging dikdikan ang labanan sa pagitan ng dalawang koponan lalo pa at galing din sa malaking kabiguan sa kanilang nakaraang laban ang Gin Kings kontra sa Meralco Bolts, 99-109, noong Nobyembre 21 sa Antipolo City.

“We need to play with more (defensive) intensity. We want to finish strong at the end of the eliminations,” pahayag ng nakaraang taong top rookie na si Greg Slaughter sa kanilang misyon na maipuwesto ng maayos ang Kings papasok sa playoffs.