Patay ang isang manager ng international non-government (NGO) makaraang tambangan ng dalawang hindi kilalang riding-in-tandem sa Estancia, Iloilo noong Biyernes ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon ng Estancia Police ang biktima ay kinilalang si Andrefel Tenefracia, 24, manager ng ACF International.  

Batay sa pulisya, limang beses pinagbabaril ang biktima ng kalibre .45 ng dalawang hindi pa kilalang suspek.

Ayon kay Senior Insp. Lorenes Losaria, hepe ng Estancia Police, pinagbabaril si Telefrancia ng mga suspek habang pauwi sa boarding house nito.

National

'Carina,' patuloy sa paglakas; Signal No. 2, nakataas sa Batanes

Patuloy pang inaalam ng pulisya ang motibo sa pamamaslang at inaalam kung may kinalaman ito sa kanyang trabaho.