Niyanig ng isa pang pagsabog ang Maguindanao, sinabi kahapon ng militar.

Ayon sa paunang impormasyon na inilabas ng 6th Infantry Division (6ID) ng Philippine Army, walang nasugatan sa pagsabog sa Sitio Bagong, Barangay Timbangan sa Shariff Aguak dakong 8:10 ng umaga kahapon.

Sinabi ng awtoridad na isang improvised na bomba ang sumabog.

Ayon kay Capt. Jo Ann Petinglay, 6ID public affairs officer, agad na ipinadala ang mga grupo mula sa Explosive Ordnance Disposal (EOD) ng Army upang mag-imbestiga at sinundan sila ng karagdagang tropa mula sa 45IB.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“The Commander, 6ID is calling on the support of the civilian populace, the local government units (LGUs) and the Moro Islamic Liberation Forces (MILF) to help look after the security situation of their respective areas and to be extra vigilant in order to preempt and undermine the possibility of a terror activity by any threat group,” ani Petinglay. - Elena L. Aben