Dininig ng Supreme Court (SC) ang oral arguments noong nakaraang linggo sa isang petisyon nakumukuwestiyon sa konstitusyonalidad ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na nilagdaan kamakailan ng Pilipinas at Amerika.

Gugugol ng panahon bago pa tayo makaaasa ng anumang desisyon mula sa SC, ngunit lumalago na ang interes ng publiko sa isyu sa harap ng mga insidente kamakailan sa ugnayang panlabas ng Pilipinas, partikular na sa pagtatalo sa teritoryo na kinasasangkutan ng bansa at China at ang paulit-ulit na mga insidente na kinasasangkutan naman ng mga bumibisitang American servicemen.

Napapaloob sa EDCA ang mga probisyion para sa “napagkasunduang mga lokasyon” sa teritoryo ng Pilipinas kung saan maaaring magtayo ang Amerika ng permanenteng mga istruktura para sa mga kasangkapan at supplies para sa kanilang sandatahan na darating para sa military exercises kasama ang tropa ng Pilipinas sa ilalim ng Visiting Forces Agreement. Sa idinaos na oral arguments, may ilang hukom ang nagtanong kung mas makabubuti ang ibato muna ang isyu sa Senado upang talakayin at para sa konsiderasyon nito.

Atas ng Section 25, Article XVIII, Transitory Provisions, ng Konstusyon: “After the expiration in 1991 of the Agreement between the Republic of the Philippines and the United States of America concerning Military Bases, foreign military bases, troops, or facilities shall not be allowed in the Philippines except under a treaty duly concurred in by the Senate and, when Congess so requires, ratified by a majority of the votes cast by the people in a national referendum held for that purpose, and recognized as a treaty by the other contracting State.”

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Hindi pa napapagtibay ang EDCA ng Senado o kinikilala bilang isang kasunduan ng Pilipinas sa Amerika, na tumuturing dito bilang isa lamang executive agreement sa ilalim ng PH-US Mutual Defense Treaty. Sa pagtatanong kung maaari ba itong ipadala muna sa Senado, waring sinasabi ng mga hukom na nangangailangan ang EDCA ng approval ng Senado bago ito maikonsidera bilang isang kasunduan na nagpapahintulot sa pagpupuwesto ng mga banyagang pasilidad at mga tropa dito.

Ito ang sentro ng mga isyu ng konstitusyonalidad – kung nilalabag ba ng EDCA ang Section 25, Article XVII ng Konstitusyon.

Sa harap ng ating pakikipagtalo sa China hinggil sa ating teritoryo, marami sa ating mga opisyal ang nakikitang kailangan natin ng suporta ng Amerika. Ang presensiya ng tropang Amerikano, kahit nasa rotating basis, ay inaasayang makapagpapahina ng anumang agresibong hakbang laban sa teritoryo ng Pilipinas. Ngunit isa pa itong isyu. Ang kailangang pagpasyahan ng SC ay ang isyu ng konstitusyonalidad.

Ang magkakaakibat na mga isyu na ito ay kabilang ang ating kasaysayan ng mahigpit na pakikipag-ugnayan sa Amerika at ang ating kasalukuyang suliranin sa China. Sa kadahilanang ito, masugid na susubaybayan ng buong sambayanan ang gagawing paglalahad ng Supreme Court.