SAN FERNANDO CITY, La Union— Naging matagumpay ang ginanap na La Union Provincial Jail (LUPJ) Mayors’ League 4th Invitational Basketball Tournament sa LUPJ basketball court sa Barangay Camansi dito kamakailan.

Ang torneo ay kaalinsabay ng Therapeutic Enhancement Program ng LUPJ para sa inmates, bukod pa sa nahahasa ang mga ito sa mga aktibidad sa sports.

Ang “Mayor” ay nangangahulugan ng isang lider ng mga bilanggo sa bawat prison cell.

Sila ang namamagitan sa anumang hindi pagkakaunawaan sa inmates at prison officials upang mapanatili ang katahimikan at kaaayusan ng bawat selda.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Ayon kay Provincial Jail Warden Albert Palomique, ang nasabing torneo ay magiging daan para sa pagkakaisa at sportsmanship ng koponan sa iba’t ibang organisasyon o ahensiya.

Naging pangunahing pandangal naman si Board Member Alfredo Pablo R. Ortega at ikinagalak nito ang ginawa ng mga “Mayor” ng LUPJ na magsagawa ng torneo para sa displina at camaraderie.

Kabilang sa lumahok na koponan ang Bureau of Fire Protection (BFP), Office of the Provincial Assessor (OPAss), La Union Provincial Jail Employees (LUPJ), Office of the Provincial Veterinarian (OPVet), Provincial Security Services Division (SSD), Sangguniang Panlalawigan Office (SPO), LUPJ Inmates, San Fernando Police Station (PNP-SFC) at Barangay Pias sa San Fernando City, La Union. - Liezle Basa Iñigo