Ipinapanukala ni Quezon City Rep. Winston Castelo na ilibre ang mahihirap na senior citizens sa terminal fees.

Nasa anim na milyon na ang senior citizen sa bansa.

Ayon kay Castelo, ang pagkakaloob ng terminal fee exemption sa mahihirap na senior citizens ay maituturing na refund o kabayaran sa mga pagsisikap, gawain at katapatan ng mga ito sa gobyerno at sa bayan.

Samantala, binanggit ni Castelo ang pakiusap ng ilang senior citizen na pagkalooban ang mga ito ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng 20 porsiyentong diskuwento sa terminal fee na kinukolekta sa mga papaalis na pasahero.
National

De Lima sa paghatol kina Castro: 'This should never happen in a democratic society'