Kapuso

SA ikalimang taon, muling makikipagtulungan ang GMA Network, Inc. sa local government unit ng Kalibo at sa Kalibo’s Sto. Niño Ati-Atihan Foundation, Inc. (KASAFI) para ihatid ang isa sa mga pinakaaabangang kapistahan sa bansa — ang Ati-Atihan 2015.

Idinaos noong Nobyembre 13 sa studio ng GMA TV Iloilo ang MOA signing na pormal na kumikilala sa GMA bilang strategic partner sa events at festivities na nakalatag para sa tinaguriang “Mother of All Philippine Festivals.” Sa pamamagitan ng partnership, ipo-promote ng Network ang Ati-Atihan 2015 sa buong bansa upang masaksihan ng bawat Pilipino ang engrandeng pagdiriwang.

Inaasahan namang magiging espesyal ang pakikiisa ng GMA sa Ati-Atihan Festival ngayong 2015 dahil nakatakdang dumalo rito ang naglalakihang artista ng Network sa pangunguna ni Regine Velasquez-Alcasid. Kaya kapana-panabik ang magiging pagdiriwang ng nasabing festival sa lahat ng Kapusong Aklanon.

National

Hontiveros, binuweltahan ‘budol’ remark ni Villanueva hinggil sa Adolescent Pregnancy Bill

Dumalo sa partnership signing sina (mula sa kaliwa): KASAFI Vice Chairman Lilibeth T. Goboy; KASAFI Chairman Albert A. Meñez; GMA Regional TV First Vice President Rikki O. Escudero; GMA Regional TV AVP & Head of Regional Strategy and Business Development Division Oliver Victor B. Amoroso; at GMA Western Visayas Station Manager Jonathan V. Cabillon.