Matapos ang mahigit dalawang dekada ng paglilitis, sinintensiyahan na rin ng Sandiganbayan Special Second Division si Ofelia Oliva, dating treasurer ng Dumaguete City, dahil sa umano’y overpricing sa pagbili ng timbangan ng baka.

Sa desisyon na inilabas noong Nobyembre 24 na isinulat ni Associate Justice Samuel Martires at kinatigan nina Chairperson Teresita Diaz at Associate Justice Napoleon Inoturan, napatunayan ng korte na guilty si Oliva ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Nakasaad sa charge sheet na bumili si Oliva noong 1990 ng isang cattle scale na nagkakahalaga ng P130,000 mula sa Joe Bart Enterprise na walang kaukulang public bidding, labis sa tunay na presyo nito, at mababang kalidad.

Bagamat inihirit ni Oliva na naghanap din ito ng ibang timbangan mula sa limang supplier sa Manila matapos ang umano’y failed bidding dahil walang local supplier na gustong makibahagi sa bidding na inanunsiyo ng lokal na pamahalaan.

Sen. Bato, iginiit na hindi convicted criminal si Lopez para ilipat sa Women's Correctional

Bagamat nakasaad sa Joint Department Order No. 1-75 na pumapayag sa canvassing at direct negotiated purchase kung sakaling may failed bidding, iginiit ng korte na hindi pa rin binili ni Oliva ang item na nakasaad sa purchase order na Suprema G3 scale na may inilaang budget na P85,000. (Jun Ramirez)