CONCEPCION, Tarlac - Naging positibo ang isinagawang anti-illegal drug operation ng mga intelligence operative ng Concepcion Police at naaresto ang isang hinihinalang drug pusher sa Barangay San Juan sa Concepcion, Tarlac.

Nadakip sa buy-bust si Reynaldo Garcia, alyas Rey, ng Bgy. San Juan, Concepcion, Tarlac.

Nakumpiska mula sa kanya ang isang transparent plastic sachet na may 0.4 gramo ng hinihinalang shabu.

Dakong 9:00 ng umaga noong Nobyembre 26 nang nakatanggap ng intelligence report ang Concepcion Police na may ka-transaksiyon si Garcia sa isang bahay sa nasabing barangay.

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'