AUBURN HILLS, Mich. (AP)— Batid ni Milwaukee Bucks coach Jason Kidd na mas kailangan niya ng maraming manlalaro upang malusutan ang Detroit kahapon.

At nakakuha nga siya ng malaki kaysa sa inaasahan.

Hindi nakakuha ang Bucks, naglaro na wala sa hanay sina John Henson at Zaza Pachulia, ng single starter sa double figures scoring, subalit nakuha pa rin nilang talunin ang Pistons, 104-88.

Taglay ng Milwaukee ang 69-13 edge sa bench scoring, kasama na ang 13-of-22 sa 3-point shooting habang humantong ang Detroit’s reserves sa 1-for-10.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

‘’This was just a great team effort,’’ pahayag ni Kidd. ‘’Everyone was going to get a chance to help us win this game, and all 10 guys pitched in. We were turning down good shots in order to get better shots. That’s playing at a high level.’’

Pumatas ang seven-game losing streak ng Detroit sa pinakamahabang karerang naitakda ni Stan Van Gundy, nang pasimulan ng Miami ang 0-7 sa kanyang rookie season noong 2003-04. Ang nasabing koponan ay 11 games under .500 sa kaagahan ng Marso.

‘’We should be better than this,’’ pahayag ni Van Gundy sa 90-second press conference. ‘’We have to find a way to be better.’’

Umiskor si Jared Dudley ng 16 puntos, habang nagdagdag si dating Piston Khris Middleton ng 12 puntos para sa Milwaukee, nakakuha sa apat na reserves ng double figures. Pinamunuan ni Andre Drummond ang Detroit na taglay ang 26 puntos at 20 rebounds, ngunit nagkaroon lamang si Greg Monroe ng 5 puntos.

‘’When it was our starters against their starters, we were OK,’’ ayon kay Van Gundy. ‘’But their bench just strafed us. We didn’t have an answer for anything they did. If you look at those guys coming into this game, none of them were really shooting well from the three, but they hit everything tonight.’’

Dinominahan ng Bucks ang boards sa naging panalo nila noong Miyerkules. Nagtala ang Milwaukee ng 53 puntos sa 42 field-goal attempts upang kunin ang 53-45 lead. Si Dudley ang pinakamalaking nagbahagi ng iskor sa 11 puntos sa 10 minutong paglalaro.

‘’We went with a small lineup and just shared the ball,’’ saad ni Ersan Illyasova, nagposte ng 22 puntos at 8 rebounds. ‘’We spread the floor, we found opportunities and we knocked down shots.’’