Marian Rivera

KAHIT anong commitment ang tanggapin ni Marian Rivera, hindi puwedeng hindi niya tuparin ang schedule na ibibigay sa kanya, tulad nitong My Big Bossing na entry ng M-Zet Productions, OctoArts Films at APT Entertainment sa Metro Manila Film Festival. Uma-attend pa rin siya ng presscon to think na dapat ay nagpapahinga na siya para sa nalalapit nilang kasal ni Dingdong Dantes sa December 30.

“Naka-schedule na po ang commitments ko hanggang before the wedding at siyempre, hindi puwedeng hindi ako a-attend ng grand presscon namin for the love ng mga kasama ko rito, like Bossing Vic (Sotto) and Ryzza Mae Dizon at iba pang members ng cast,” sagot ni Marian nang sabihan na mabuti’t dumalo pa rin siya. “Saka nagustuhan ko ang role ko sa horror-comedy episode namin na ‘Taktak’. First time kong gaganap na isang TV executive at si Bossing Vic ang investigative reporter ng show na kami ang mag-i-expose ng isang scam tungkol kay Angel (Ryzza Mae). Masaya ang shooting at ang future ninong namin ni Dong, alaga kaming lahat sa shooting.

“Bukod sa presscon, a-attend pa rin ako ng premiere night namin sa SM Megamall Cinema 10 sa December 22 at sasakay ako sa float ng movie namin sa MMFF Parade of Stars sa December 23.”

National

Pag-aresto kina Guo, isang hakbang para masiguro kaligtasan ng PH -- Gatchalian

Libre ba ang talent fee niya sa movie o iyon ang ibibigay na pakimkim ng ninong nila?

“Hindi po libre ang talent fee ko,” natawang sagot ni Marian. “Saka iyon pong matatanggap naming wedding cash gifts ay mapupunta po sa mga foundations na pipiliin ng magiging asawa ko. Si Dingdong po ang nakakaalam kung saang foundation iyon dapat ibigay, pagkatapos ng wedding namin.”

Simula ngayong December 1, pahinga na muna si Marian sa mga trabaho niya. Last Friday, tinapos na niya ang taping ng last episode ng Marian na napapanood every Saturday sa GMA-7. Nakadalawang seasons din ang dance show. Sa December 6 na mapapanood ang last episode ng Marian na special guest niya ang groom-to-be niya with Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

“One season po lamang ang ini-offer nila sa akin sa Marian, pero nagustuhan ito ng mga advertisers kaya nagkaroon ng season two. Gusto pa rin nilang ituloy ko sa season three at hihintayin nila kung itutuloy pa namin iyon next year. Actually, dalawa po ang offer nila sa akin, isang soap at ito ngang Marian.”

Natawa si Marian nang tanungin kung alam ba niyang bina-bash siya ng haters dahil ang dami raw niyang bridal showers.

“Siguro po ang ibang kakasalin marami ring bridal showers na ginagawa pero dahil artista ako, nasusulat lahat. Mas nakakahiya naman kung bibigyan ka na ng bridal shower tatanggi ako at sasabihing ‘huwag na po, marami na akong bridal shower’. Kaya ko po bang tanggihan si Tita Celia (Rodriguez) na talaga namang nasorpresa ako nang dumating sa Crimson Hotel ang mga classmates ko sa college noong 2005, mga pinsan ni Dingdong at mga artistang nakasama ko sa mga ginawa kong soaps sa GMA?

“Bago mag-Christmas, may mga bridal showers pa na hindi ko rin p’wedeng tanggihan, isa rito si Dra. Vicki Belo. Pero nag-request ako sa kanyang sana ang imbitahin niya ay members of the press. May bridal billboards din na ginawa para sa akin si Dra. Belo at sorpresa po kung kailan iyon itataas. Sa Wednesday naman ang despedida de soltera ko na dadaluhan ng members ng both members of our family ni Dong and some close friends. Sa December 6, isang pre-nuptial party aboard a yatch ang ibibigay naman sa amin ni Dong ng mga non-showbiz friends namin. Basta sa lahat po ng nangyayari sa buhay namin ni Dong, ipinagpapasalamat po namin iyon sa inyong lahat, lalo na sa mga fans na after ng presscon nitong My Big Bossing, pupuntahan namin ni Dong dahil binigyan nila kami ng special send-off party sa Camp Aguinaldo. Punung-puno po ng excitement at pasasalamat ang puso namin.”