Sumiklab ang kaguluhan sa harapan ng bahay ni Pangulong Aquino sa Times St., Quezon City nang lusubin ng mga raliyista ang lugar na ikinasugat ng 12 pulis kahapon ng umaga.

Isinugod sa isang ospital ang mga pulis na nasugatan nang pagbabatuhin sila ng kahoy, pintura, bato at bote ng mga militante matapos ang isang oras na kilos-protesta na nag-umpisa dakong 9:00 ng umaga.

Naiulat na tatlong pulis lamang ang nakabantay sa ancestral house ni PNoy nang biglang sumulpot ang mga militante.

Isa sa mga pulis ang tinamaan sa mata ng isang matigas na bagay kaya ito ay itinakbo sa East Avenue Medical Center.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Gamit ang spray paint, sinulatan pa ng mga raliyista ang gate ng nasabing bahay na “Patalsikin si PNoy” at iba pang mensahe.

Nang dumating ang mga ibang pulis, nagawang maitaboy ang mga raliyista palayo sa bahay ng pamilya PNoy, kung saan ilan sa mga ito ay nadakip ng pulisya.

Sinabi ni Cristina Palabay, secretary general ng Karapatan, inaresto ng mga pulis an glider ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas na si Antonio Flores at dinala ito sa Camp Karingal.

Hiniling ng mga demonstrador sa administrasyong Aquino na i-pull out ang mga sundalo sa Mindanao, ibasura ang mga kasong inihain laban sa kanilang lider at pagbibigay ng hustisiya sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao at puwersahang pagpapaalis ng mga magsasaka sa kanilang tinitirhan.