AYOKO NA! ● Parang pelikula... Teka, higit pa sa isang magandang pelikula dahil toong nangyari. Napabalita kahon, isang NPA leader sumugod sa headquarters ng 75th Infantry “Marauder” Battallion ng Philippine Army sa Barangay Maharlika sa Bislig City, Surigao del Sur para sumuko. Hindi naman nagulantang ang magigiting nating mga sundalo roon, ang pinagtataka lamang nila ay ang lakas ng loob ng naturang NPA leader na pumasok sa “den ng mga leon”. Gayunman, handa namang humarap ang ating mga sundalo sa anumang banta sa sarili nilang seguridad kaya muntik na nilang mapatay ang sumugod kung hindi ito agad nagdeklara ng pagsuko. Ang nakamamangha pa nito, isinuko pa ng NPA leader na ito ang kanyang armas na kargado ng mga bala.

Nagtatalak siya sa loob ng opisina, sinabing hindi na niya makaya ang gutom, sama ng loob at sobrang pahirap sa katawan bunga ng situwasyon sa kabundukan at waring habambuhay na pagtatago sa mga mata ng militar. Naniwala kasi ang NPA na ito sa pangakong bubuti ang lagay ng kanyang pamilya, aahon sila sa hirap – na hindi naman nangyayari. Ang nagbabalik-loob na mga rebelde ay may nakahandang ayudang pinansiyal mula sa gobyerno upang makabalik sila sa lipunan nang matiwasay. Maaari ring pagpalit sa pera ang mga armas na isusuko. Alok ng pamahalaan sa kanila ay ang bagong buhay na tahimik at marangal. Bahagi ito ng diskarte upang malusaw ang samahan ng mga bandido sa Katimugan upang mapalaganap ang kapayapaan at kaunlaran sa lugar at mapalawak ang sakop ng turismo sa bansa.

PAMPASIRA NG DISKARTE ● Paano nga uusad ang turismo kung tayo mismo ang sumisira ng maganda nating imahe sa ibang bansa? Isang Korean ang agaw-buhay nang tambangan ito ng dalawang lalaki habang naglalakad ito pabalik sa Bgy. Balabag sa Boracay kamakailan. Isinugod naman ng mga nakakita si Jin Woo Lee, 39, taga-Korea ang Korean sa hospital sa Kalibo. Nabatid na ang Korean pala ay manager ng isang spa. Malala ang tama ng bala sa kaliwang bahagi ng katawan nito at agaw-buhay ito. Gayong wala namang naiulat na may nawawalang bagay kay Jin, siniyasat ng pulisya kung may kinalaman sa trabaho ang pananambang sa Korean. Hindi natin makakamtan ang estado ng ating mga kapitbansa sa pagiging mga premyadong lugar para sa turismo kung hindi tayo magkakaisang pangalagaan ang ating pagkakakilanlan bilang Perlas ng Silangan.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina