LEGAZPI CITY - Tutok ang mga awtoridad sa pamamaril at pagpatay sa tatlong miyembro ng isang pamilya sa Libon, Albay, kamakailan.

Ayon kay Senior Supt. Marlo Meneses, direktor ng Albay Police Provincial Office, bumuo na siya ng grupo na tututok sa kaso ng pagpatay kay Felipe Ongog, 60, negosyante; at sa mga anak nitong sina Imelda, 33, at Arnold.

Bandang 7:30 ng umaga nang mangyari ang pagpaslang sa Barangay Alongog sa Libon.

Bagamat hindi pa malinaw kung ano ang motibo sa pagpaslang, hindi inaalis ng mga awtoridad ang anggulong may kinalaman sa negosyo ang pagpatay.
National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3