Iniulat ng Department of Health (DoH) na wala pa silang na-monitor na overseas Filipino worker (OFW) na tinamaan ng nakamamatay na Ebola Virus Disease (EVD).

Ayon kay Dr. Lyndon Lee Suy, tagapagsalita ng DoH, sa mga lugar na mayroong Ebola cases ay wala namang Pinoy health worker na nagtatrabaho sa frontline laban sa Ebola.

Sa halip ay kinukuha aniya sila ng mga pribadong kumpanya upang mangasiwa sa kalusugan ng mga manggagawa sa isang tiyak na lugar.

“As of this time, no Filipino has been infected by Ebola,” pagtiyak pa ni Lee Suy.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa kabila naman nito, sakaling umuwi aniya sa bansa ang mga Pinoy health worker ay kinakailangan pa rin silang isailalim sa 21-day quarantine upang matiyak na hindi sila nahawahan ng sakit.

Paliwanag ni Lee Suy, ginawa nilang mandatory ang quarantine lalo na at hindi naman kaagad matukoy kung ang isang OFW ay low risk o high risk case.