Laro ngayon: (Alonte Sports Arena)

5p.m. Blackwater vs. Talk 'N Text

Magsolo sa ikatlong puwesto ang hangad ng Talk 'N Text upang makapasok ng maganda sa susunod na round sa kanilang pagsagupa sa Blackwater Sports sa PBA Philippine Cup na gaganapin sa Alonte Sports Arena sa Biftan, Laguna ngayon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kasalukuyang nasa 3-way tie sa ikatlong posisyon ang Tropang T exters kasalo ng defending champion Purefoods Star at ang Barangay Ginebra San Miguel na taglay ang barahang 5-3 (panalo-talo), kabuntot ng solong ikalawa na Rain or Shine (6-2) at ng namumunong Alaska at San Miguel Beer na kapwa may laban kahapon sa Smart Araneta Coliseum habang isinasara ang pahinang ito.

Nanggaling ang Tropang Texters sa panalo kontra sa Barako Bull Energy Cola, 122-106, noong nakaraang Nobyembre 23 sa larong idinaos sa parehas ding venue.

Kasunod ito ng natamong kabiguan sa kamay ng Globalport noong nakaraang Nobyembre 18 sa Smart Araneta Coliseum.

Sa kabilang dako, muli na namang magtatangka ang Elite na makamit na ang pinaka-aasam na unang tagumpay bilang isang professional team matapos dumanas ng siyam na sunod na kabiguan, ang pinakahuli ay sa kamay ng Barako Bull, 82-97, sa labang ginanap sa Antipolo City.

Bagamat nagwagi sa kanilang pinakahuling laban kontra sa Energy Cola, hindi pa rin kuntento si Tropang Texters coach Jong Uichico sa ipinapakita ng kanyang mga manlalaro.

"We had a good offensive game, but we didn't have a good defensive game," ani Uichico. "I have to ask for more from them on defense."

"We have to play defense. Play defense. Play defense," ang paulit-ulit na sinabi ng TNT mentor.