Malabong makamit ng Pilipinas ang kanyang target na paglago para sa 2014 matapos bumagal ang paglawak ng ekonomiya ng bansa sa 5.3 porsiyento sa third quarter.

Ang paglago ay hinila pababa ng pagbawas paggasta ng pamahalaan, paghina ng agrikultura at mas mabagal na expansion sa services and industry. Ang ekonomiya ay lumago ng 6.4 porsiyento sa nakalipas na quarter.

Inihayag ni Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan noong Huwebes ang 5.8 porsiyentong paglago para sa nakalipas na siyam na buwan.

Idinagdag niya na maging ang pag-abot sa mababang 6.5-7.5 percent full-year target ay magiging isang malaking hamon para sa gobyerno.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Kailangang lumago ang ekonomiya ng 8.2 porsiyento sa fourth quarter upang maabot ito, at ang economic managers “will brainstorm intensively on how we can come as close to this figure as possible,” aniya.

Bumababa ang agrikultura at pangisdaan ng 2.7 porsiyento dahil sa mga pinsala ng kalamidad, kabilang na ang bagyong Yolanda noong nakaraang taon.

Ang service industries, na nananatiling growth driver, ay bumagal sa 5.4 porsiyentong paglago mula sa 7.7 porsiyento sa na nakalipas na taon. Ang industrial growth ay bumaba sa 7.6 porsiyento mula sa 7.7 porsiyento noong nakaraang taon at 7.9 porsiyento sa nakalipas na quarter.

Bumaba rin ang government spending at public construction ng 6.2 porsiyento dahil sa pagkaantala ng mga proyekto na nag-ugat sa mga bagong documentary requirements.

Ang ekonomiya ng Pilipinas ay lumago ng 7 porsiyento sa third quarter ng nagdaang taon.

“Do we see a brighter prospect? The short answer is yes,” sabi ni Balisacan. - The Associated Press