Kumukulo na ang larangan ng pulitika sa ating bansa bagamat malayo pa ang 2016. alam ba ninyong binubuo na raw ng mga supporter nina sens. Grace Poe at Francis “Chiz” Escudero ang tambalang Poe-Francis? Parang tunog Pope Francis na bibisita sa Pinas sa Enero 2015! Sinabi naman ni kaibigang al Pedroche na inoorganisa na rin ang tambalang mar-Garin nina DIlG Sec. Mar Roxas at DoH acting Sec. Janet Garin. aba, tunog mantekilya ang tandem na ito. Dagdag pa ni al: “kung si DoJ Sec. Leila De Lima naman ang tatakbo at kukunin niyang partner si ex-Makati City Vice Mayor Ernesto Mercado, ito ay tatawaging Deli-Cado. Delikado talaga si VP Binay!

Kung nag-iisip lang nang husto ang nagtuturing sa mga sarili bilang political analysts tungkol sa kung bakit si Vice President Jojo Binay ang laging nangunguna sa sWs at Pulse asia surveys, ang tunay na dahilan ay bunsod ng pangyayaring walang lumilitaw na potential candidate sa 2016 laban kay VP Binay maliban kay mar Roxas na masyadong mahina at parang walang karisma sa mga botante. Hintayin natin ang pagsulpot ng isang “Dark Horse” na kakampihan ng mga Pinoy.

Bukod pala sa mga taguring “sexy”, “anak”, at “kuya”, gumamit din pala si sen. Jinggoy Estrada ng code name na “Cong. Biazon” sa pork barrel scam, ayon sa whistleblower na si Benhur Luy. Inamin ni Luy na gumamit sila ng ilang code names para kay Jinggoy sa PDAF upang hindi raw makilala o matukoy si Estrada. Talaga, kung hindi sa gulo nina Janet Lim-Napoles at Benhur Luy, hanggang ngayon siguro ay ginagatasan nina Tanda, sexy, Pogi, ng mga senador, kongresista at cabinet official ang taumbayan.

Pinatumba ni Manny Pacquiao si Chris Algieri ng anim na beses. at tinalo ang matangkad at poging US boxer sa unanimous decision. Gayunman, parang kulang pa ito sa mga boxing fan, kabilang ang mga Pinoy, na ang gusto ay knockout. Mga kababayan, ang mahalaga ay nanalo si Pacman kahit hindi niya na K.O. si Algieri. Huwag naman sana tayong masyadong demanding!
National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras