LUMAYAS KA! ● Kolehiyala ka sa isang unibersidad at dahil sa sobrang pagmamahal mo sa iyong BF, nabuntis ka niya nang hindi ikinakasal. Nang lumalaki na ang tiyan mo, biglang pinatawag ka ng pamunuan ng unibersidad na iyong pinapasukan. Pinalalayas ka na. Labag sa batas ang pagpapatalsik sa iyo dahil nabuntis ka habang enrolled sa eskuwelahan, ayon sa Commission on Higher Education (CHED) sa region 2 sa pagpupulong na idinaos nito kamakailan sa Regional Population and Executive Board (RPEB) sa Tuguegarao City, Cagayan. Ayon kay Education Program supervisor Sofia Taguibao isinasaad sa magna Carta for Women na walang kolehiyala ang dapat na patalsikin dahil nabuntis ito nang walang asawa. Hindi dapat pagkaitan ng edukasyon ang mga buntis na estudyante sapagkat may karapatan silang ipagpatuloy ang pag-aaral kahit hindi kasal.

Ginawa ng CHED ang paglilinaw matapos makarating sa mga kaanib ng RPEB na mayroon mga unibersidad na nagpapatalsik ng kanilang mga estudyanteng babae kapag ito ay nabuntis. Pinagtitibay ito ng Magna Carta. May ilang paaralan ang nagpapatalsik ng mga buntis na estudyante, lalo na ang ilang catholic schools. ang naturang mga paaralan ay may reputasyong pinangangalagaan kung kaya dapat nilang patalsikin ang mga estudyanteng nabuntis nang walang asawa. sumusunod lamang ang ilang paaralan sa dikta ng kanilang kabanalan at malinis na karakter; tumutugon sa moralidad at disiplina. may nakapagsabi na maaari namang lumipat ng ibang paaralan. Kaya sa halip na tulungang makatapos ang ating kolehiyala nang lalong matiyak na may kakayahan itong buhayin ang kanyang magiging supling, pinalalayas siya upang danasin ang parusa ng kanyang kasalanan. Dios mio!

***

BAYANIHAN SA EDUKASYON ● May 95 paaralan na nakipagbayanihan sa 2014 Brigada Eskuwela ang ginawaran ng parangal kamakailan ni Education secretary Bro. armin a. luistro FsC. anang luistro “kasinglaki man ng higante ang hamon, kayang-kaya nating resolbahin kung tayo’y nagkakaisa at nagkakapit-bisig.” Ipinabatid naman undersecretary Mario Derequito na abot sa walong milyon ang nakipagbayanihan at nakalikom ng tatlong bilyong donasyon. malinaw na totoong walang hadlang sa edukasyon kung sama-sama at nagkakaisa ang mga sektor, sapagkat tanging matibay na edukasyon ang maghahatid sa bansa sa mas matibay na kinabukasan.
National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros