Nakatakdang igawad ng Philippine Army (PA) ang military honor para kay World Boxing Organization (WBO) welterweight champion at Sarangani Rep. Manny Pacquiao matapos ang matagumpay nitong panalo kay dating welterweight champion Chris Algieri ng Amerika noong Nobyembre 23 sa Macau, China.
Sinabi ni Army Chief Lt. Gen. Hernando Iriberri, kanyang inirekomenda sa kanilang tanggapan ang pagbibigay ng award na Outstanding Achievement Medal (OAM) para kay Pacquiao, sa ranggong Lieutenant Colonel sa Army Reserve Force.
Ayon kay Iriberri, ang nasa bing award ay dahil sa naibigay nitong karangalan sa bansa at inspirasyon sa AFP, maging sa sambayanang Pilipino.
Dagdag pa ni Iriberri, hinihintay na lamang nila ang pag-apruba ng Department of National Defense (DND) para sa nasabing military honor.
Sinabi pa ni Iriberri na binabalak rinng Philippine Army na bigyan ng Command plaque at Army Transformation Roadmap (ATR) pa rin si Pacquiao.
Ayon kay Iriberri, ang awarding ay depende sa oras na naaayon sa iskedyul ng kongresista.
Sinabi naman ni Army Spokesman Lt. Col Noel Detoyato, ang huling award na iginawad ng kanilang hukbo kay Pacquiao ay ang Bronze Cross Medal.
Ayon kay Detoyato, ang Army’s Office of the Acting Chief for Personnel (G1) ang mamamahala sa preparasyon ng award para kay Pacman.