LONDON (AFP)– Namayapa pa ang isang notoryus na gangster sa London na kilala bilang “Mad” Frankie Fraser sa isang ospital sa edad na 90, sinabi ng dating kasamahan nito noong Miyerkules.

Sa kanyang kalakasan noong 1960s, si Fraser ay kilala bilang ang enforcer na naghasik ng karahasan para sa dalawang gang na naghahari sa London, ang Kray twins at Richardson brothers.

Inilarawan ni Eddie Richardson, isa sa kambal ng South London crime gang leadership, si Fraser na “old acquaintance” nang kumpirmahin niya ang pagkamatay nito.

“He’s had a long life and I don’t think he’s done too bad. He had Alzheimer’s for about three years, so I don’t think he knew what day it was,” ani Richardson.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Dating kinilala bilang pinakabayolenteng lalaki sa Britain, gumugol si Fraser ng kabuuang 42 taon sa kulungan sa iba’t ibang pagkakasala.