UPCLOSE and personal na makakasalamuha ng mga Cebuano ang child wonders ng Kapuso remake ng 80’s drama series na Yagit sa pamamagitan ng promotional tour ngayong Sabado, Nobyembre 29.

Unang bibisitahin ng young actors na sina Chlaui Malayao, Zymic Jaranilla, Judie dela Cruz, Jemwell Ventinilla, at ng Cebuanang si Steph Yamut ang Borromeo Brothers Elementary School sa Cansojong, Cebu sa ganap na ala-10 ng umaga.

Kasunod ng Kapuso Barangayan, pangungunahan nila ang kapana-panabik na Kapuso Mall Show kasama ang Taste Buddies host na si Solenn Heussaff, The Half Sisters lead actress na si Barbie Forteza, at Jeric Gonzales mula sa Strawberry Lane.

Gaganapin ang Kapuso Mall Show sa Southtown Centre Cebu simula alas-tres ng hapon.

Akbayan, De Lima 'di apektado sa pagtutol ni PBBM: 'Kailangang manaig ang batas!'

“We are very happy to announce that some of our talented and sought-after Kapuso stars are coming over Cebu this weekend to extend their gratitude to fans who’ve always been supportive of the Network through the years. We bring to them the kids of Yagit plus Solenn, Barbie, and Jeric, and we really hope they will have a good time,” pahayag ni Oliver Amoroso, GMA Regional TV AVP at Head ng Regional Strategy and Business Development.

Napapanood ang Yagit mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng The Half Sisters sa GMA Afternoon Prime.