In this 1987 photo, Lebanese singer and actress Sabah whose real name is Jeanette Feghali, an icon of Arab music, poses for a picture, in Beirut, Lebanon. Sabah, died Wednesday, Nov. 26, 2014 morning at age 87, the Lebanese National News Agency reported, without offering a cause of death. Her health had been declining in recent years. (AP Photo/Stavro Jabra)

BEIRUT (AP) — Nakikilala sa kanyang halimaw na boses sa conservative Arab world, ang Lebanese singer, aktres, at entertainer na si Jeanette Feghali na kilala bilang Sabah na tila hindi nalaos sa loob ng kanyang anim na dekadang karera.

Napaligiran man ng bago at mas batang singers, nanatili pa ring kuntento ang singer sa kanyang nagbagong hitsura at pigura dahil sa pagtanda.

“I’m proud that I’m a village girl but I had a lot of ambition,” ani Sabah noong 2008.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pumanaw ang singer noong Miyerkules ng umaga sa edad na 87, ayon sa report ng National News Agency, na walang sinabing dahilan ng pagkamatay.

Nakilala bilang palatawa at palangiti, ginamit niya ang pangalang Sabah na ang ibig sabihin ay umaga sa salitang Arabic. Ginamit din niya ang ilang nicknames katulad ng shahroura, na ibig sabihin ay singing bird, at Sabbouha. Samantala ang iba naman ay tinawag siyang al-Ustura o The Legend.Nagmula ang singer sa Kristiyanong pamilya at ipinanganak sa Bdedoun malapit sa Beirut noong 1927, nagsimulang makilala si Sabah noong 1940 bilang mang-aawit at aktres sa mga pelikula ng Egypt. Sumali siya sa halos 25 plays, apat na radio musicals, 85 pelikula at umawit ng 3,000 kanta, ayon kay Charbel Alasmar, isang Lebanese-Canadian composer.

“She broke so many taboos. I don’t know if she was even aware of it,” saad ni Chady Maalouf, head ng programing ng Voice of Lebanon radio. “She was the example of a star, she was totally complete: in her appearance behavior and voice. She shocked people all the time.”

Nakatrabaho niya ang mga sikat na musikero at kompositor sa Egypt, kabilang si Mohammed Abdul-Wahhab.

Ilan sa mga sikat na kanta ni Sabah ay ang Zay el-Assal o Your Love is Like Honey on my Heart at Akhadou el-Reeh o They Took the Wind. At ang kanyang huling kanta, ay inilabas noong 2006.

Umapaw ang pakikiramay mula sa mga radio at telebisyon noong Miyerkules. Ang U.S. Embassy sa Beirut at nagpahayag sa Facebook page at tinawag si Sabah“a bright, shining image of the Lebanese people.” At si Walid Jumblatt naman sa Twitter “She was a great singer of a Lebanon that my generation knew that will never come back.”

“Our giants are leaving, our cedars are diminishing,” sabi rin ng kapwa singer na si Ragheb Alameh sa Twitter. “Farewell our shahroura, our beloved, rest in peace.”