NAGING mabagal at maingat na progreso ito, ngunit sa wakas naaprubahan din ang Freedom of information bill ng House Committee on Public information nong Lunes matapos ang sampung buwan ng consolidation process ng isang technical working group.

Bumoto ang komite ng 10-3 para maaprubahan ang hakbang na naglalayong pagkalooban ang mga mamamayan ng maginhawang pag-abot sa impormasyon at mga dokumento na hawak ng mga ahensiya ng gobyerno. Kabilang sa mga dokumentong ito ang Statements of Assets, Liabilities, and Networth (SALN) na kinakailangang isumite ng lahat ng opisyal. isang section sa bill ang nagmamandato sa pag-a-upload ng mga SALN sa mga website ng mga ahensiya ng gobyerno. Magugunita na na-impeach ng Kamara si dating Chief Justice Corona House at kalaunang natuklasang nagkasala sa pagsisiyasat ng Senado dahil sa umano’y ilang pagkakaiba sa kanyang SaLN. Ito ang dokumenton na mas ninanais ng karamihan sa mga opisyal na isikreto na lamang, sapagkat nangangamba sila na maging mitsa pa ito ng mga pagbabanta ng masasamang loob, ang iba naman determinadong magpayaman nang hindi kailangang malaman pa ng publiko at posibleng imbestigasyon.

Tulad ng maaaring asahan sa Kamara, ang bill na parubado ng komite ay malayo sa pagiging ideal information sharing measure. Sa isang section, halimbawa, may probisyon na maaaring hindi ibigay ng anumang ahensiya ng gobyerno ang impormasyon “on the ground that it could frustrate the effective implementation of an official action”. Malawak ang saklaw nito at maaaring gamitin ito ng mga opisyal upang isama ang kahit ano na lang. Ngunit may probisyon din ang bill na kapag tumanggi ang isang opisyal na isiwalat ang impormasyon, kailangan nitong patunayan na lapat ang naturang impormasyon sa mga exception sa bill na nakalista sa isang section.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Tatalakayin ngayon ang bill sa plenaryo kung saan pagdedebatihan ng buong miyembro ng kamara. Sasailalim ito sa mas masusing talakayan sapagkat maraming kongresista ang magsisikap na protektahan ang kanilang mga sarili sa posibleng mas mahigpit na pagsisiyasat ng publiko sa ilalim ng mga probisyon nito.

Sa loob ng maraming taon, nagawang mangalap ng media at mga militanteng sektor ng impormasyon kahit walang isang Freedom of information bill. ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam na mas kilala sa pork barrel scam at ang mga huwad na non-government organization ni Janet Lim-Napoles – na sangkot ang matataas na oisyal ng gobyerno – ang nabunyag. Nauwi to sa pagkakatuklas na may mga executive official ang lumulustay ng bilyun-bilyong salapi ng bayan nang hindi idinadaan sa Kongreso upang aprubahan.

Ang Freedom of information Law ay makatutulong sa paglilinis ng lahat ng putik na natipon sa loob ng maraming taon. Marahil mas mahalaga na magsilbi ito bilang pangunahing tagapigil ng mga pataksil na transaksiyon, sapagkat ang mga opisyal sa hinaharap ay maglilingkod sa mas bukas na sistema ng pamamahala.