PANIQUI, Tarlac – Nagwakas na ngayong linggo ang 27 araw na kaguluhan sa munisipyo ng Paniqui makaraang puwersahang pababain sa gusali ng mahigit 2,000 tagasuporta ni Mayor Miguel Rivilla si dating Board Member Rommel David.

Ayon sa report, pinagbabato ng mga tagasuporta ni Rivilla ang mga bintana sa ikatlong palapag na inookupa ni David at kasabay ng pananalangin ay lumabas ng gusali si David sa pagitan ng 7:30-8:00 ng gabi.

Dahil dito, nasa balag na alanganin ngayon si Supt. Salvador Destura, acting chief ng Paniqui Police, at iba pa niyang kasamahan na nagsilbing mga bodyguard ni David.

Tumanggi ring humarap sa media si Destura para sa panayam.

National

Mula magnitude 5.9: Lindol sa Southern Leyte, ibinaba sa magnitude 5.8

Kasabay nito, nabatid na ipinag-utos na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pag-upo ni Vice Mayor Genevieve Socorro Linsao bilang acting mayor habang umiiral ang 60-araw na suspensiyon kay Rivilla, na magtatapos sa Disyembre 28, 2014.