Miguel Tanfelix at Bianca Umali

MAKULAY ang Nobyembre ng GMA Regional TV sa sunud-sunod na pagdaraos ng kanilang appreciation night para sa kanilang beloved sponsors at advertisers sa mga siyudad ng Davao (November 6), Cagayan de Oro (November 8), Iloilo (November 14) at Bacolod (November 17).

Ang gabi ng pasasalamat ay handog ng GMA Network sa kanilang pinahahalagahang partners na naging daan upang maisagawa ang lahat ng matagumpay na events ng GMA RTV sa iba’t ibang panig ng bansa ngayong taon. Ang tema ng naturang event ay “Jazz Age: Swinging After Six,” na talaga namang nagpaalala ng grandiosong balls noong 1920s na binigyang ningning pa nga ng ilan sa naglalakihang stars ng network.

Animo’y nasa Broadway theater din ang mga nagsidalo dahil sa All That Jazz opening act nina Jonalyn Viray, Aicelle Santos, at Maricis Garcia; sa pag-indak din ng teen stars na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali sa Hot Honey Rag; ang nakatutuwang bersiyon ni Betong Sumaya ng When You’re Good to Mama; sa hot Cell Block Tango dance number nina Winwyn Marquez at Mark Herras; at sa pinagsamahan nilang lahat na Nowadays na bahagi ng kanilang Chicago Suite set, na talaga namang hinangaan ng audience.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Hindi rin nagpadaig sina Rhian Ramos (Davao), Solenn Heussaff (CdO at Bacolod), at Isabelle Daza (Iloilo) na nagsilbing event hosts. Bawat isa ay sinamahan ni Betong na in character naman bilang si Antonietta ng Bubble Gang.

Para sa AVP and Head of Regional Strategy and Business Development Division ng GMA RTV na si Oliver Amoroso, ‘di matatawaran ang partnership na nabuo nila sa kanilang loyal sponsors, “Mula noon, hanggang ngayon, the team’s commitment to this partnership is second to none.”

Naroon din sa Partners’ Night ang GMA RTV AVP and head for news and public affairs na si Celerina Amores, ang namuno sa re-branding ng regional newscasts na ngayo’y kinikilala na bilang 24 Oras; ang station managers na sina Mariles Puentevella (Davao at GenSan), Armi Sobremisana (CdO), at Jonathan Cabillon (Western Visayas) kasama ang kanilang program hosts at staff; at ang RTV senior program manager for entertainment na si Jocelyn Bautista Pacleb sampu ng kanyang team members.

Binigyang pansin naman ni Rikki Escudero, GMA RTV first vice-president, ang importansya ng pagdaraos ng event para sa kanilang partners, “We celebrate your (partners’) generosity and support which has been integral to the success of GMA. Kung wala po kayo ay wala po kami rito ngayon.” Ipinangako rin niyang, “GMA will bring more of its stars, programs, and strategic technical planning to be of service to the regions.”

May apat pang nakalinyang trade events para sa loyal partners ng GMA RTV sa Bicol (November 27), Ilocos (November 29), Cebu (December 5), at Dagupan (December 12).