Nasa hot water ngayon ang isang lady examiner ng Bureau of Customs (BoC) na sinampahan ng kaso sa Office of the Ombudsman matapos maaktuhang naglalaro sa casino sa Parañaque City, kamakailan.

Kinasuhan ng paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act si Natividad dela Cruz, empleyado ng BoC na nakatalaga sa CEPZA, sa Rosario, Cavite, ng Asosasyon ng Komentarista at Anaunser ng Pilipinas (AKAP) matapos maaktuhang naglalaro sa Casino.

Inireklamo rin ang asawa nito na si Wilfredo dela Cruz, dating barangay captain sa Barangay Tambo, Parañaque City, na madalas kasama ng lady examiner sa paglalaro ng slot machine.

"This couple is known to have unexplained wealth real estate, motor vehicles & jewelries and has a Cargo/ Forwarding Business which is conflict of interest with her job," reklamo ng AKAP.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Hiniling ng AKAP na isailalim sa lifestyle check ang mag-asawa para mabuking ang lahat ng mga hinihinalang tagong-yaman nila.