Hangad ni Biñan City Mayor Marlyn “Lenlen” B. Alonte-Naguiat na maging sports capital ang kanyang nasasakupang siyudad sa Laguna.

Ito ang inihayag ni Alonte-Naguiat, kasama ang kanyang kapatid na si Councilor Gel Alonte, sa pagdayo ng 2014 Philippine Super Liga Grand Prix sa Biñan noong Nobyembre 26.

“We are concentrating now on our Youth and Sports Development program,” sabi ni Alonte-Naguiat.

“That is why we wanted more sports event here in Biñan to expose our kids as well as our youth and athletes to high quality kind of sports event such as the Philippine Super Liga which is a top notch volleyball event,” sinabi pa nito.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Opisyal na kinilala bilang isang lungsod noong 2010, sinabi ni Alonte-Naguiat na nakatakdang simulan ang pagbuo sa isang international standard at world class na track and field oval sa likod lamang nang ipinagawa nitong air-conditioned basketball court para sa inaasam na rekognisyon.

“We hope to host more local and international events like in the volleyball, and probably multi-sports events,” pahayag pa ni Alonte-Naguiat.

“Marami naman kaming standard venues dito na nasa schools na puwede naming gamitin sa pagiging punong-abala ng sports events,” giit pa nito.

Balak din ng Biñan na ganapin ang prestihiyosong Palarong Pambansa subalit kailangan pa nilang maghintay nang tatlong taon base sa itinakdang proseso ng mga rehiyon matapos na huling mag-host ng torneo ang probinsiya ng Laguna sa pangunguna ni dating Gov. ER Ejercito.

“Balak din namin mag-host ng Palaro but recently lang kasi nag-held dito sa Laguna so we will have to wait for three more years. Hopefully, by that time, completed na ang construction ng aming track oval and our city is ready for the hosting,” pagmamalaki pa nito.