Isang anim na taong lalaki ang nabundol at nasagasaan pa ng dalawang sasakyan sa Barangay St. Peter sa Quezon City noong Huwebes, ayon sa police report.

Agad na namatay ang paslit.

Kinilala ng pulisya ang namatay na si Jaypee Yu, ng Dagot Street, Bgy. Manresa, Quezon City.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, tumatawid ang bata sa Banawe Avenue nang mahagip ito ng isang rumaragasang SUV.

National

Hindi dadalo: VP Sara, 'di rin papanoorin SONA ni PBBM sa TV, gadgets

Tumilapon ang bata at tumama sa kongkretong bangketa ang mura niyang katawan hanggang sa dumaan ang ikalawang sasakyan at masagasaan siya, na tuluyan niyang ikinamatay.

Sinabi ng pulisya na hindi naplakahan ang dalawang sasakyan.- Betheena Kae Unite