Paglalabanan sa triathlon ang unang gintong medalya sa paghataw ng 2014 Philippine Sports Commission-Batang Pinoy National Finals sa Disyembre 9-13 na muling magbabalik sa host Bacolod City, Negros Occidental.

Sinabi ni PSC Games chief Atty. Maria Fe "Jay" Alano, matapos mapinalisa ang kabuuang 27 sports, na nakatakdang paglabanan ang unang ginto sa taunang grassroots sports development program ng PSC sa event na triathlon.

"Actually, mag-iistart din ang boxing, chess at table tennis on the 9th of December pero wala pang nakatayang medal. Only the triathlon, na isasagawa ang kanilang National Finals in three days will have a medal at stake," sinabi ni Alano ukol sa torneo na para sa mga batang atleta na may edad 15 pababa.

Maliban sa triathlon, apat na iba pang sports na hindi nagsagawa ng qualifying leg sa Mindanao, Visayas at Luzon ang hahataw din sa kanilang kampeonato na binubuo ng cycling (New Airport Access Road), pencak silat (Rizal Elementary School), wushu (Trinity Christian School) at ang isinamang fencing na gaganapin sa Manila.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ito ang unang pagkakataon na gaganapin ang sports na fencing sa torneo na matatandaan na nagsimula noong 1998 bilang Philippine National Youth Games sa pangunguna noon ni Bacolod City Congressman at ngayon ay Mayor na si Monico Puentebella.

Magsasama naman ang mahigit na 3,000 kabataang atleta na nakuwalipika matapos magsipagwagi ng ginto at pilak sa ginanap na tatlong leg. Maaari ring lumahok ang mga nagsipagwagi ng tansong medalya subalit sagot nila ang kanilang pagsabak sa torneo.

Paglalabanan sa National Finals ang archery, arnis, athletics, badminton, basketball 3-on-3, billiards, boxing, chess, dancesport, futsal, karatedo, lawn tennis, muaythai, sepak takraw, softball, swimming, table tennis, taekwondo, volleyball, weightlifting at wrestling