Lalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong ‘Queenie’ sa loob ng 24 oras ngunit 12 pa ring lugar ang apektado nito, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Inaasahan ng PAGASA na babagtasin ng bagyo ang Sulu Sea at tutumbukin nito ang mainland Palawan.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 120 kilometro hilagang-kanluran ng Dumaguete City taglay pa rin ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometer per hour (kph).

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Nananatili naman ang bilis ng bagyo sa 24 kph pakanluran matapos nitong tawirin ang landmass ng Negros provinces.

Kabilang din sa nasa public storm warning signal (PSWS) No. 1 ang mga sumusunod: Palawan, kasama ang Calamian Group of Islands at Cuyo Islands, Bohol, Southern Cebu, Negros Oriental, Southern Negros Occidental, Siquijor, Guimaras Island, Iloilo, Antique, Zamboanga del Norte.

Kaugnay nito, kaagad na inaalerto ng ahensya ang mga residente sa mga lugar na apektado ng bagyo sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.