Nagposte ng 22 at 20 puntos sina John Francis Principe at Romeo Teodones, ayon sa pagkakasunod, upang pangunahan ang San Sebastian College (SSC) sa pagungos sa Letran College (LC), 25-16, 18-25, 21-25, 27-25, 20-18, kahapon sa juniors division ng NCAA Season 90 volleyball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Pinaulanan ng Staglets ng hits ang Squires, 62-40, sa pangunguna nina Principe at Teodones na nagtala ng 21 at 13 hits, ayon sa pagkakasunod, upang makamit ang kanilang ikatlong sunod na panalo.

Dahil sa kanilang panalo, pumantay ang Staglets sa ikalawang puwesto sa University of Perpetual Help Altalettes at Arellano University (AU) Baby Chiefs sa likod ng namumunong Lyceum of the Philippines University (LPU) Junior Pirates.

Sa kabilang dako, namuno naman para sa Squires na bumaba sa barahang 1-3 (panalo-talo) si Evan Tumabli na nagsalansan ng 17 puntos na kinabibilangan ng 14 na hits.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nakaungos lamang ang Squires at nakuhang sumabay sa Staglets sa kanilang naitalang 49 won points mula sa error ng huli.