KUALA LUMPUR (AFP)— Nakatakdang magpatupad ang Malaysia ng isang bagong batas kontra terorismo upang labanan ang potensyal na banta sa seguridad mula sa mga tagasuporta ng grupong Islamic State (IS), inihayag ni Prime Minister Najib Razak noong Miyerkules.

Sinabi ni Najib sa parliament na palalakasin din ng kanyang gobyerno ang namamayaning batas sa seguridad sa pagkabala ng mga awtoridad na ang mga Malaysian na sumali sa IS jihad sa Syria at Iraq ay magbabalik at magpapalaganap ng militanteng Islam. “Looking at the potential threat from this group, we fear the return of Malaysians from the conflict zone in Syria and Iraq will be detrimental to national security,” sabi ni Najib.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists