Binuksan sa pribadong sektor ang PNoy Bayanihan Project na gagawing silya at lamesa ang mga nakumpiskang kahoy para maresolba ang kakulangan ng silya sa paaralan.
“Para lalong masuportahan ang edukasyon, skills training at livelihood program ng gobyerno,” pahayag ni Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) director general Joel Villanueva.
Sa panayam ng Balita sa turnover ceremony ng silyang gawa ng PNoy Bayanihan project sa Pasong Tamo Elementary School sa Quezon City, sinabi ni Villanueva na maipupursige rin nito ang kampanya ng gobyerno laban sa illegal logging. “Ibinabalik lamang natin ang mga ninakaw sa mga kabataan,” aniya.
Binanggit ng kalihim na unang pumasok sa naturang PPP project ang Jollibee Foundation Inc. na tinustusan ng P1 milyon ang produksyon ng mga silya.