Para sa akin, mas mahalaga ang magtrabaho kang ismarte kaysa todo-todo. Naranasan ko noon na kapag nagtrabaho ako ng todo, hinahangaan ng iyong mga kasama ang iyong sipag at hindi ang resulta ng iyong kasipagan. Kaya sinimulan kong magbuhos ng maraming effort sa isang gawain sa paniniwalang magdudulot iyon ng mas magandang resulta. ang aktuwal na nangyari, nagdagdag lang ako ng kumplikasyon sa aking mga problema at nag-aksaya lang ako ng panahon. Sa totoo lang, ang efficiency ay nangangahulugan ng pagtamo ng maximum na resulta sa paglalaan ng kakaunting pagsisikap, hindi ang kabaligtaran.

Batid ko rin na ang kayamanan at materyal na pag-aari ay hindi nakapagdudulot ng tunay na kasiyahan. Kaya simple lamang ang ipinasya kong pamumuhay. Kaya nakatira ako at ang aking pamilya sa simpleng apartment. Hindi ako nagsusuot ng alahas. Wala akong yaman na maaaring ipagmalaki sa aking mga amiga. Wala akong malalaking investment upang magkamal pa ng mas malaking salapi. Nag-i-invest ako sa experiences sa buhay sa halip na mga materyal na bagay. Hindi nawawala o nananakaw ang experiences. Pero laging zero balance ang laman ng payroll ATM ko tuwing sahod. Pakiramdam ko, kailangan ko ng mas maraming

pera upang makalikha ako ng mas masaayang alaala. Kaya para akong siraulong nag-o-overtime kahit walang ginagawa. Dahil doon, hindi ako nagkaroon ng magandang karanasan at hindi ko rin nakamit ang magagandang alaala.

Kaya sa halip na isipin ko kung ano talaga ang gusto ko sa buhay at kung magkano ang kailangan ko upang makarating roon, nag-focus sa ko sa pagtatrabaho upang kumita nang malaki. Ngunit natuklasan ko rin na wala pala talaga sa pera ang kaligayahan sapagkat nagugumon ka sa paghahangad ng mas marami pa. Kalumbayan lamang ang iyong matatamo kapag ginamit mong sukatan ng tagumpay ang pera.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Tinigilan ko rin ang pagtatanong noon. Dapat pala nagtanong ako nang nagtanong upang makakalap ako ng mas maraming impormasyon. Sa pagtatanong, nagiging mas matalino ang tao. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari sa buhay, nalilihis na tayo sa landas na dapat na tinatahak natin. at kung nalilihis ka na ng direksiyon, sa pagtatanong ka magkakaroon ng pagkakataong magbalik sa tamang landas