NAGKALAT sa awards night naginanap kamakailanang starlets, mga nangangarap pa lang na makapasok sa mundo ng showbiz, at pati na 'yung binibigyan ng ilusyon ngmga talent coordinator hindi lang sa venue kundi pati na sa lobby ng hotel katabi ng casino.

Bitbit ng isang kakilala naming talent coordinator ng mga male personality search ang tatlong bagong alagang kalalakihan na hindi lang naman yata gino-groom para isali sa male contest kundi para mai-display at maipakilala sa mga bading sa showbiz.

Kuntodo naka-formal wear pa ang mga alaga niya at lalo na ang isang medyo cute din namang binata na nakasuot ng amerikana na hiniram lang yata dahil kitang-kitang masikip sa katawan niya.

Ipinakilala agad ni Talent Coordinator sa halos lahatng mga kakilala niyana may konek sa showbiz ang mga bibit na alaga. Nang mapadaan ang isang gay indie director ay isa·isa niyang ipinakilala ang kanyang tatlong paninda, este, alagang male talents.

National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador

Super titig naman agad si Indie Director sa mga paninda, este, alaga ng talent coordinator at may ibinulong pa sa huli.

Akala namin ay doon na nagtapos ang eksena ng indie director at ng talent coordinator. Pero pagkatapos ng awards night ay natiyempuhan naming palabas ng hotel ang indie director na kasa-kasama na ang isa sa mga paninda, este, alaga ng talent coordinator.

Tinawagan agad namin sa telepono ang talent coordinator attinanong kung alam ba niyang bitbit na ng indie director ang isa sa mga paninda, este, talent niya.

"Opo. Ni-request niya 'yun sa akin, alam mo na. Alam mo naman may kapalit'yun. At least inabutan na naman niya agad ako ng para sa akin," banggit ng kausap naming gay talent coordinator.

Ganu'n?