Walang balak si Senator Serge Osmeña III na suportahan ang hirit na emergency power ni Pangulong Benigo Aquino III para matugunan ang problema sa enerhiya.
Ayon kay Osmeña, noon pa man ay tutol na siyang bigyan ang Pangulo ng kapangyarihan dahil mayroon namang sapat na solusyon sa problema sa elektrisidad.
Giit niya, kung sumunod lamang sa kanya si Pangulong Aquino na sibakin na sa posisyon si Energy Secretary Jericho Petilla baka nagkaroon pa ng magandang solusyon para maresolbahan ito.
Tinukoy ng chairman ng Senate Energy Committee ang mga alternatibong pagkukunan ng enerhiya tulad ng windmill sa Ilocos Norte at solar power na ginagamit na rin sa mga eskwelahan.