Tiniyak ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas sa mga senador na ang kapakanan ng mamamayan sa pamahalaang lokal ang laging prayoridad ng kagawaran.

Ito ang tugon ni Roxas sa mga sinabi ni Senator Miriam Defensor-Santiago sa privilege speech nito sa Senado noong Lunes nang ipagpatuloy ang pagdinig tungkol sa pambansang budget para sa 2015.

Sa talumpati ni Santiago, pinaalalahanan niya ang DILG na tumutok sa mandato nito na subaybayan ang mga lokal na pamahalaan at siguruhing ligtas ang buhay at ari-arian ng mga Pilipino, saan man sila nakatira at sino man ang kanilang kinikilingan, kaibigan o kaaway.

Isa sa mga proyektong binanggit ng senador ang Sagana at Ligtas na Tubig Para sa Lahat (Salintubig), isang proyektong sinimulan noong 2011 ng yumaong si DILG Secretary Jesse Robredo.

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

“Isang mahalagang pangangailangan para sa mga komunidad ang malinis na tubig at kailangang kasama ang bawat LGU sa pagtugon dito,” sabi ni Roxas.

Idinagdag pa ng kalihim na dahil maraming komunidad ang nananatiling walang supply ng tubig para sa pangaraw-araw na gawain, malaki ang maitutulong ng proyektong ito. Para sa 2015, aabot ito ng P1.53 bilyon upang maabot ang may 89 lokalidad.

Ayon kay Roxas, sa kabila ng mga pasaring ng ilang sektor na bigyan ng kulay pulitikal ang mga gawain ng DILG, sinikap pa rin ng kagawaran na gampanan ang tungkulin nito para sa taumbayan.