Para sa kaalaman ng mga kababayang Pinoy, may 370 milyon na ang may diabetes ayon sa World Health Organization, at patuloy sa pagtaas. Sa Pilipinas, tinatayang may limang milyon na ang diabetic, at dito kabilang ang kapatid kong magsasaka na yumao noong Nobyembre 11 sanhi ng kumplikasyon ng sakit. Siya ay isang guro pero piniling sakahin ang maliit naming bukirin na minana pa sa aking ama at ina. Sa 2030 raw ay baka abutin ng 6.16 ang Pinoy na may diabetes.

Kabilang sa kumplikasyon ng sakit na ito ay pagkabulag, heart and blood vessels diseases, kidney failure, pagputol sa mga paa (amputation), nerve damage, at stroke. Ingat ang kailangan, angkop na pagkain (gulay at prutas) at siyempre pa, exercise.

Sa larangan ng boksing, walang duda na si Manny “Pacman” Pacquiao ay isang bayani para sa mga Pilipino. Noong Linggo, ang “vintage Pacquiao” ay muling kinamalasan ng apoy, sigla, bilis, listo at lakas kontra sa 5-foot-10 na si Chris algieri na hindi pa natatalo sa loob ng 20 laban. Pero sa kamao ni Pacman, lumasap siya ng pagkatalo matapos anim na taong bumagsak sa lona. Bukod sa napanatili ni Rep. Manny Pacquiao ang korona ng WBO welterweight division sa sagupaang ginanap sa Macau, tumanggap din siya ng $23 milyon samantalang si Algieri ay tumanggap naman ng $1.5 milyon. Tatanggap pa rin siya ng milyun-milyong dolyar mula sa pay-per-view.

Sa isang ulat, itinuturing daw ng Malacanang na ang 32 journalist na kasamang napatay ng 26 iba pa sa Maguindanao massacre noong Nob. 23, 2009 ay mga “martir”. Kung sila ay mga martr sa paningin ng Malacanang, aba eh pabilisan ninyo ang paglilitis at himukin ang hukuman na aksiyunan ang kaso upang magtamo ng hustisya ang mga pamilya ng mga biktima.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Malapit nang magwakas ang termino ni PNoy. Sana ay magtamo ng katarungan ang 32 journalist at iba pang biktima ng karahasan at kabuktutan ng pamilyang Ampatuan na diumano ay nasa likod ng brutal na maramihang pagpatay!