Kulong ang isang bagitong pulis matapos tutukan ng baril ang dalawang menor-de edad sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Grave threat, gun taunting, paglabag sa RA 7610 (Child Abuse Law) at kasong administratibo ang kinakaharap na kaso ni PO1 Levitico Domingo, 31, nakatalaga sa Regional Police Safety Battalion ng National Capital Region Police Office (RPSB-NCRPO).

Ayon sa report, sa hindi malamang dahilan, pumasok ang suspek sa bahay ng isang 14-anyos na babae at tinutukan niya ito ng baril kasama ang kaibigan ng huli na 17-anyos na lalaki, bandang 5:00 ng hapon sa Monte Loyola Street, Barangay San Roque, Navotas City. Tumawag ng pulis ang ilang residente dahil sa pagwawala ni PO1 Domingo.

Rumesponde ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 2 ng Navotas Police Station at dinakip ang suspek.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20