Liza Soberano at Enrique Gil

NANGGULAT pero kinakiligan nang husto ng karakter na ginagampanan ni Liza Soberano ang Forevermore viewers nitong nakaraang Martes nang lakas-loob na aminin ni Agnes ang namumuong pagmamahal para kay Xander na ginagampanan ni Enrique Gil.

Napanood sa naturang episode ng most-watched romantic-drama series ngayon ang biglaang pagbuhos ng emosyon ni Agnes sa harap ng kanyang tatay at mga kababayan sa La Preza kaugnay ng kanyang tunay na nararamdaman. Umabot siya sa sukdulan nang lumapit siya kay Xander at sinabing, “Ay ayaten ka,” na nangangahulugang “mahal kita” sa mga Ilokano.

Patunay sa pagtutok ng buong sambayanan ang pangunguna ng Forevermore sa timeslot nito base sa resulta ng viewership survey ng Kantar Media. Ang “Ay ayaten ka” episode ay humataw ng national TV rating na 27.6%, mas mataas ng 12 puntos sa katapat nitong serye sa GMA na Strawberry Lane (15.8%).

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Nanguna rin ang Forevermore maging sa Twitter. Naging number one trending topic sa Twitter Philippines at worldwide ang official hashtag ng episode na #ForevemoreConfession. At dahil na rin sa buhos ng tweets ng netizens kaugnay ng nakakikilig na pag-amin ni Agnes kay Xander, kapwa nag-trend rin sa Pilipinas ang “Agnes” at “Xander.”

Ayon sa ABS-CBN insider, hudyat ang “Ay ayaten ka” episode ng simula ng love story nina Agnes at Xander.

Grabe, andaming nakikidama sa saya at pait ng unang pag-ibig sa Forevermore gabi-gabi.